PANGALAN : DE JESUS, DANICA FAYE T.
PANITIKAN 2-3 MWF
PUTING KAHON
Akda ni Danica Faye T. De Jesus
Maingay na himpapawid at waring sumisipol ang tunog sa tenga, ganyan ang unang mapapansin kapag
nakarating ka sa paliparan o Airport.
“Hon, wag mong kalilimutan ang mga bilin ko ha? Lahat ng ito ay para sa inyo”, maluha luhang sabi ni
Minerva sa kanyang asawa na si Lukas.
“Oo Hon, basta mag iingat ka palagi”, tugon ni Lukas.
“At ikaw naman anak, lagi kang magpapakabait ha? Sundin mo lagi ang tatay mo at ayusin mo ang pag aaral
mo”, bilin neto sa anak na si Lanz.
“Opo inay”, tugon naman ni Lanz.
Yakap at halik ang huli nyang pabaon sa mag ama na may bahid ng lungkot at pangungulila.
Ito lang ang kanyang naisip na paraan upang matugunan ang kalam ng sikmura at pangangailangan sa pang
araw-araw.
Sa simula ay hirap at pasakit ang natamo ni Minerva sa Saudi Arabia sapagkat kundi pangungulila, ay ang
panganib sa kamay ng striktong mga amo ang kanyang kalaban.
“Kamusta na kaya sila sa Pilipinas?”, wika niya sa sarili na mababakas ang lungkot sa mga mata.