NAHUHULI AT PANIMULANG PAGTATANGKA: ANG PILOSOPIYA NG WIKANG
PAMBANSA
WIKA, KONSTITUSYON AT KASAYSAYAN
Dr. Bienvenido Lumbera – Ayon sa kaniya, nagsimula ang buhay ng wikang pambansa
nang itakda ng Konstitusyong 1935 ang pangangailangan para sa isang wikang bibigkis sa mga
mamamayang tatawaging Filipino.
Mahalaga ang batayang historikal at antropolohikal sa pagpili o pagpapaunlad ng Wikang
Filipino.
Mas magiging malalim at makabuluhan ito kung iuugnay sa mga pag-aaral sa mga
pambansa/pangnasyong kalayaan at pananakop kung bibigyan natin ng halaga ang papel
ng pambansang wika sa pagtatalaky ng nasyonalismo.
Ang wikang pambansang ito ay maaaring pumili sa mga wika sa katutubo o lokal na mga
pampulitikang yunit, wikang bitbit ng mananakop at maaaring wikang sintesis.
Pambansang Wika sa Hulma ng Larangang Pagpaplanong Pangwika
Dr. Pamela Constantino – ayon sa kanya dahil sa iba’t ibang patakaran, pagtugon,
pagkilos at reaksyon sa mga pangyayari sa wika, nagdulot ito ng pagkaroon ng interes ng
ibang sosyolohista at lingguwistika sa wika ng ibang bansa. Sa kadahilanang ito, sinalo
ng academiya ang pag-aaral sa wika at nabuo ang larangan sa Pagpaplanong Pangwika.
Robert Cooper – may akda ng Language Planning and Social Change na nagbigay ng
malaking kontribusyon sa pamamagitan ng masinop na pagbibigay ng mga depinisyon ng
Pagpaplanong Pangwika.
Ang mga pagpaplanong pangwika ay tumutugon sa mga suliraning pangwika na maaaring
direktang usaping wika o higit na nakasadlak sa mga usaping pulitikal, ekonomik at o panlipunan
. Karaniwan ang mga suliraning pangwika ay inuugnay sa mga batayang itinatakda ng mga
sektor o grupong nakikinabang/makikinabang sa wika at sa gamit at o sa anyo ng wika.
MGA ANTAS, DIMENSYON AT PROSESO SA PAGPAPLANONG PANGWIKA
2 ANTAS SA PAGPAPLANONG PANGWIKA: Makro at Maykro (Macro and Micro)
3 DIMESION/LAYUNIN
1. Istatus na pagpaplanong pangwika – nagbibigay pansin sa mga tiyak na
gamit mula sa wika ng pagkatuto sa mga akademikong gawain at o intelekstwalisasyon,
wikang opisyal ng pamahalaan (korte, lehislatura, ehekutibo), ng negosyo at iba pang
panlipunang institusyon
2. Korpus na pagpaplanong pangwika – nakatuon sa pagbubuo/pagbabago/pamimili ng mga
porma o kowd na ginagamit sa pagpapahayag oral o nakasulat. Bahagi nito ang mga gawain sa
pagbabago ng ispeling, paglikha o pagbubuo ng mga salita.
3. Akwisisyong pangwika – ito ang pagpapalaganap ng wika at epekto sa gumagamit ng
wika.
4 TIYAK NA PROSESO NG PAGPAPLANONG PANGWIKA (ayon kay Dr. Constantino)
– pagsasagawa o pamimili ng norm na maaaring wika mismo o anyo
ng wika. Ito ay para sa tiyak na gamit at pamimili ng kowd o pagbubuo ng patakaran ng
mga naitakdang institusyon o samahan
– pagsasagawa ng kodipikasyon ng wika o anyo ng wika o kowd na pipiliin batay sa
itinakdang gamit. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagbuo ng aklat/panuntunang gramatikal
at diksyunaryo
– pagpapayabong ng mga opsyon/pagpipilian/varayti
– pagtitiyak ng pagpapatupad ng anumang pagbabago/solusyong napili tungo sa ganap na
pag-aangkin ng grupong pinaglalaanan ng desisyon at o pagbabago/gawaing pangwika.
Kultibasyon o pagtataguyod o pagsusulong ng tiyak na varayti
PAGPAPLANONG PANGWIKA SA TAWID BAYAN O KROS KULTURAL NA SIPAT
Ayon sa pag-aaral ni Pamela Constantino, sa karanasan ng Malaysia at Indonesia,
bilang mga nasakop na bansa, sa kolonyal na panahon ang opisyal na wika at wika sa
edukasyon ay wika ng mga mananakop o dayuhan.