Arriane D. Aculan April 17, 2018
201503327 History 2- J
BS Management
1. Ano ang kahulugan ng kasaysayan?
Ang salitang kasaysayan ay mababatid sa pamamagitan ng pagtingin sa salitang-ugat
nito—ang saysay na ang ibig sabihin ay “halaga.” Kung gayon, ang kasaysayan ay paglalahad ng
mga pangyayaring may saysay.
Ang kasaysayan o historya (mula
sa Griyegong ἱστορία, historia, nangangahulugang “inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa
imbestigasyon”) ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga
tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para
sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng “heolohikang kasaysayan ng daigdig.
Kasama
sa usaping pangkasaysayan ang mga pag-aaral sa antropolohiya, ariktektura, heolohika,
arkelohiya at iba pa. Kasama dito ang koleksyon, organisasyon, presentasyon at interpretasyon
ng impormasyon ukol sa mga nakaraang kaganapan.
2. Ano ang kasaysayan bilang nakaraan at pag aaral sa nakaraan?
Ang pag aaral sa kasaysayan ay hindi lamang pag-aaral sa nakaraan, kundi sa kung
paano ito naapektuhan at maapektuhan ang ating kasalukuyan and kung paano natin maiiwasan